TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW BEFORE TRAIN AMENDMENTS

Q: Sir anong i-a-assure nyo sa public sa ipapapsang version dito?

Sen. Angara: Pro-people pa rin siya. Especially sa fuel, kasi yun ang pinakamalaking tama sa tao, di ba? So yun, we preserve as much as we can, yung inilabas ng committee, and hopefully, we get the support. Alam mo naman sa amendments, botohan yan eh. So majority prevails dito.

Q: Sabi ni Sen. Recto marami pa raw kailangan i-fine tune dito?

SJEA: That's what the period of amendments is for to refine the measure. Kung may probisyon na hindi maganda, hindi gusto ng ating mga kasamahan, dito talaga siya ginagalaw. Ito na yung oportunidad na para sa mga miyembro na talagang ipasok yung kanilnag mga bersyon kaya we have amendments from 14 senators.

Q: Mas marami bang compromisable kesa uncompromisable?

SJEA: Mas maraming compromisable kesa uncompromisable.

Q: Mas maraming hindi puwedeng galawin?

SJEA: Para sa akin, puwedeng galawin lahat yan. Kasi, we're only the chairman so we can be overturned by the body so sa akin, walang uncompromisable. Lahat puwedeng baguhin ng Senado as a collegial body.

Q: So, dun sa 14 senators na nag-submit ng amendments...

SJEA: May iba-ibang direksyon, e. Minsan nagko-conflict yung mga amendment. Ang role lang natin, parang referee tayo. Sinasabi natin, sa tingin natin, ito dapat ang masunod. And then, we give it to the floor for approval or disapproval. Ganun ang proseso.

Q: Kelan ang report?

SJEA: Mauuna tayo. We will report out our report sa committee. Yung mga sinabi nating mga exemption sa VAT. Yung personal exemption ilalapit natin sa 250,000.

Q: So hindi na 150?

SJEA: Well, staggered. Para hindi first year. By the third year to be 250.

Q: Ipapasa within this week?

SJEA: Matapos yung amendments sana today kaya umaga tayo nag-session. Hanggang mamayang gabi, ready tayo magtrabaho.

Q: So, within this week, ma-approve yan third and final reading? Tomorrow, perhaps?

SJEA: Sana kasi certified urgent measure yan. So, sana matapos tayo.

Source: Senate of the Philippines

Related posts