Takot at Pag-asa

Honestly, I'm no fan of Duterte, but I support this administration for the welfare of the country and its people. And when he officially took his post, dalawang bagay ang naramdaman ko: takot at pag-asa.

Takot, dahil araw-araw, patayan ang laman ng balita. Ang dami nang namatay na may "wag tularan, pusher ako" cardboard. Buti sana kung lahat sila, pusher or drug lords talaga. Paano kung yung iba inosente? Paano kung kaya pa nilang magbago? Di ba sayang ang pagkakataon? Nakakatakot dahil parang di na tayo nababahala sa pagtaas ng bilang ng mga namamatay. Nakakatakot dahil tila nakakasanayan na natin ang ganitong sistema.

Pag-asa. Big break talaga yung DU30 admin. Change has begun nga. Ngayon ko lang nakita yung hundred percent na visibility ng mga pulis pati na rin nung mga barangay officials sa amin. Finally, nakita namin silang rumonda at nag-patrol sa amin. Kala kasi namin tuwing fiesta, liga at eleksyon lang namin sila makikita. Di namTakotPAgasaan pala.

Natutuwa ako kasi ngayon ginagawa na nila yung mga bagay na dapat dati pa nilang ginawa. Tungkulin nila 'yun. Minsan, gusto ko silang tanungin: " Bakit ngayon lang?" Kaya naman pala, bakit hinintay pa si Duterte. Dahil ba sa pangakong itataas ang sweldo? O dahil takot lang sila sa pwedeng gawin ng nakaupong liderato?

Takot at pag-asa lang talaga ang nakita ko. Opposite silang dalawa, but at least, it shows na dalawang bagay din ang maaaring idulot ng ganitong sistema: makabuluhang reporma o ang salungat nito.

Change has begun. At sana maging bahagi tayo nito. Tayo sana ang siyang magpasimula ng tunay na pagbabago sa ating mga sarili - sa isip, sa salita at sa gawa.

Source: Philippine Information Agency

Related posts