STATEMENT OF LIBERAL PARTY PRESIDENT SENATOR FRANCIS PANGILINAN ON THE RECENT INCIDENTS OF KILLINGS

Ex-mediaman na consultant sa DOF at kapatid nito pinagbabaril at pinatay sa San Juan. Konsehal ng Pasay pinagbabaril sa mall at DOA sa ospital. Judge sa Butuan City at asawa nito pinagbabaril at pinatay sa loob mismo ng kanilang tahanan. Lahat ito nangyari sa loob lamang ng limang araw.

Ganito ang karumal-dumal na resulta kapag pinapawalang-halaga, binabalewala o nagsasawalang-kibo ang higit na mas nakararami sa atin sa kahalagahan ng buhay ng ating kapwa. Nag-umpisa sa mga addict na mga walang kwenta at tama lang na patayin dahil wala silang karapatang mabuhay.

Kapag wala nang kwenta at halaga ang buhay ng libu-libong mga pinapatay sa araw-araw na kapwa natin, mga kababayan natin, paano ito mauuwi sa pagpapahalaga ng buhay ng bawat isa sa atin?

Wala raw tayong dapat alalahanin dahil mga addict lang ang pinapatay. Addict din at nanlaban yung ex-mediaman at kapatid nito? Si Konsehal? Si Judge at kanyang Mrs? Sa ganitong sitwasyon, kahit sino pwede nang mabiktima ng riding-in-tandem. Kahit sino.

Sa ganitong sitwasyon, tama ba na manahimik na lang tayo at magsawalang-kibo?

Mahalaga nga ba ang buhay ng ating kapwa?

Source: Senate of the Philippines

Related posts