PAL flight, nag-emergency landing

MANILA - Nag-emergency landing ang isang eroplano ng Philippine Airlines nitong Sabado dahil umano sa hinihinalang usok mula sa cockpit.

Sa isang text message, sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines spokesperson Eric Apolonio na alas dos trenta y dos ng hapon nang makalipad mula Ninoy Aquino International Airport patungo ng Cebu ang PAL flight PR 1857.

Pero ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nag-request ito ng emergency landing.

Ligtas namang nakalapag sa NAIA bandang alas dos kwareta'y dos ang eroplano na agad na ininspekyon ng Manila International Airport Authority fire department.

Wala ring nasakatan sa mga pasahero na naiilipat na ng ibang eroplano ng PAL at umalis ng alas singko y medya ng hapon.

Related posts