Ambush Interview with Sen. Leila M. de Lima

Sen. De Lima: Itong mga kaso na ito, katulad ng mga drug cases na ito, isa lang ito sa mga panggigipit sa akin. It is just really harassment. Maaari kong i-consider itong incarceration kong ito as a dissent and as a protest against everything that is happening, everything back that is happening in the society today, hindi lang yung patayan kundi yung walang katapusang kasinungalingan, yung maraming mga gulo ngayon.

Question: Your thoughts on No Elections...

Sen. De Lima: Iyan lumalabas na yung tunay at maitim nilang balak. Yan ang kanilang agenda, palawakin ang kanilang stay in power.

Question: Ma'am sabi po ni Presidente, wala raw po siyang plans to extend his term. Do you believe in that, what's your reaction?

Sen. De Lima: Sinong niloloko nila, at ilang beses na silang nanloloko? Ilang beses na yung iba yung sinasabi, iba yung ginagawa. Iba sinasabi sa isang araw, tapos binabawi the next day or a few days later. So sino bang niloloko nila? Kaya dapat pong bantayan natin yan, wag po nating papayagan yan, yung maitim na balak nila. Yung no-el, yung federalism, na yung pinaka-hangad lang naman nila ay nandyan sila sa pwesto, sa kapangyarihan nang marami pang taon.

Question: Ma'am do you think na at this point, is it really possible na magkaroon ng change sa constitution natin?

Sen. De Lima: Well, with the kind of Congress that we have, especially the House of Representatives which is really a rubberstamp already with the supermajority, ang dali-dali nilang gawin ang gusto nilang gawin. Look at what happened sa Martial Law extension, it was a walk in the park. So ganyan na naman siguro yan, lalo na sa House of Representatives.

Question: Ma'am what can you say sa mga supporters niyo outside?

Sen. De Lima: Nagpapasalamat po ako sa kanila sa patuloy nilang pagsuporta, sa patuloy nilang pakikisama sa akin, na alam naman nilang inosente ako. Dinadamayan nila ako, kaya malaking bagay po sa akin yan, nagpapalakas po ng aking loob.

Question: Ma'am any message po kay President Duterte, would you want to greet him a Happy New Year?

Sen. De Lima: Well, gusto ko man sanang batiin siya ng happy new year, pero kaya lang, gaya ng sinabi ko sa Dispatch ko noong isang araw, hindi ata ito magiging happy new year sa atin, itong 2018, dahil nga diyan sa mga balak nilang baguhin, ang Saligang Batas, ang Konstitusyon... yung constitutional authoritarianism. So I don't know what would be happy this year, maybe kung magresign na siya, magiging happy po ako.

Source: Senate of the Philippines

Related posts