AMBUSH INTERVIEW | TAX REFORM AND MARTIAL LAW | SENATE OF THE PHILIPPINES

SEN WIN: Actually ang magandang feature ng tax reform is simplification and equity dahil alam naman natin madaming leakages na nangayari sa atin and one of the suggestion is to simplify everything. The proposed 8% across the board needs to be studied carefully dahil may mga self-employed na mas malaki ang kita, so baka naman ma-sacrifice natin yung tinatawag natin na progressiveness. So ito yung mga pinag-uusapan ngayon but so far we've seen efforts to simplify the tax system. Pag simple mas madaling mangolekta at mas malaking revenue ang makukuha natin.

Q: Sir anong problema dun sa DOF na sana graduated?

SEN. WIN: Actually ang proposal in essence kung mas malaki ang kita mo mas malaki ang babayaran mo, progressivity na sinasabi ng DOF which is part of the equity feature ng bill na ito. I agree with that also dahil kung ang negosyo mas malaki ang kita obviously dapat mas malaki din ang dapat babayaran. Ito yung pinag-uusapan namin ngayon. Maraming suggestions na lumalabas so we're still in the process of reconciling all the suggestions.

Q: Pero sir yung nga kung sakali graduated gagawa pa rin sila ng paraan para magmukhang 3 million lang?

SEN. WIN: Actually ang isang magandang nakita namin ngayon dito ay mas simplified. Binawasan yung tier levels. I think one of the proposals of DOF is six tier to a four tier. Again, ang gusto natin ma-simplify to para sa mga tax payers, para pag nag-file di sila mahihirapan sa declaration.

Q: Ano po yung current system for professionals and self-employed?

SEN. WIN: Sa ngayon I can't remember exactly the levels, but definitely mas complicated siya ngayon. so that's why we are quite satisfied sa simplification feature nito.

Q: [inaudible]

SEN. WIN: Well ngayon ang proposal ay 8% up to 3 million so kung ang kita mo up to 3 million may option ka mag bayad ng 8% or graduated. Para sa mga maliit na negosyo naman exempted ka kung gross sales mo ay 250,000 and below. Pinoprotektahan din natin ang mga maliit na negosyante natin.

Q: So yung proposal po na 8% hindi po siya required? So pwede nilang piliin?

SEN.WIN: yes depende kasi sa negosyo mo e, meron mga negosyo na let's say mas mataas ang cost mo. May option ka pumili.

ON MARTIAL LAW

Q: if ever po ma extend ang martial law?

SEN. WIN: I think the most prudent action will be another briefing from the security cluster. Araw-araw nakikita ko sa news reports nag-iiba ang situwasyon. We will require the security cluster to give us extensive briefing kagaya noong nangyari noon una almost 8 hours yung briefing. So the most prudent para sa mga decision makers ay magbigay sila ng briefing kung nasaan na tayo, discuss existing potential threats at titignan natin kung pwede na ma-contain ang martial law sa isang lugar kaysa sa buong Mindanao. Ang pinaka mahalaga dito is magkaroon tayo ng information ano pa nag nangyayari sa Mindanao.

Q: Wala pang decision?

SEN. WIN: Sa ngayon ang alam ko wala pa, walang pang communication but I think most senators would like to have an extensive briefing. Aside from the update na binibigay sa media I think yung personal interaction dito sa Senate and Congress ay malaking bagay para matanong natin yung mga details na kailangan natin malaman.

Q: So dun niyo i-babase yung decision niyo?

SEN. WIN: That will be most prudent for me. I will base my decision from the information being given by the security cluster.

Q: May indication na ba kelan yung briefing?

SEN. WIN: Wala pa eh. I think malapit na yun. Probably in the next few weeks dapat magkaroon na ng briefing. We need to take action before mag lapse.

Q: What signals are you getting from Palace, is it an extension or???

SEN. WIN: The situation is changing rapidly on the ground. Iba yung sitwasyon araw-araw so mahirap mag sabi ng isang definite na signal now dahil nagbabago siya.

Source: Senate of the Philippines

Related posts