You are here

Transcript of Sen. Joel Villanueva’s interpellation at the Senate probe on Kian, Carl killings

Sen. Joel Villanueva to PO2 Rodolfo Bautista: Sir, una, tinatanggap naman namin na walang perpektong tao pero noong sinabi niyo kanina na you are at fault doon sa ginawa niyo na marami kayong bagay na di niyo nagawa, perhaps, lapse in judgment, pero uulitin ko lang po, noong kasama niyo yung taxi driver, in-identify niya ho mismo na si Karl ang nang-holdap sa kanya?

Bautista: Yes, your honor. Tinuro po niya. During that time nag conduct din po kami ng on site inquest kaharap ang duty prosecutor tapos in-identify naman niya po

SJV: Nung in-identify niya, nakahandusay siya noon sa crime scene?

Bautista: Yes, your honor.

SJV: Ok, another thing, may witnesses po ba tayo other than that? CCTV? Gaano po ba katagal ang shooting incident?

Bautista: Base po sa nabanggit ng operating unit, saglit lang po e.

SJV: One minute?

Bautista: I don't know the exact time po. Siguro mas...

SJV: Lesser? Siguro, sir, bago kita pakawalan lang kaagad 'no, importante ho iyong...I think iyong SOP medyo nakakalungkot po na mamiss na yung taxi driver di niyo kukunin 'yong lisensya niya, plate number, etc. I think basic po 'yon eh 'di ho ba?

Bautista: Yung lisensya po, yung plate number naka note naman po yun. May tickler naman po ako. Dun naka indicate yung number, address niya.

SJV: Pero doon po sa report at affidavit 'di niyo inilagay?

Bautista: Opo.

SJV: Okay. Pinopoint out ko lang po na importante po yun dahil buhay po ang nakataya kaya ko pinopoint out

Bautista: Naka indicate po siya. Yung mga kakulangan po, kaya ako gumawa ng supplementary affidavit para ma counter check

SJV: Kaya ko nga po sinasabi ko lang na importante ito dahil buhay ang nakataya.

SJV to Chief Inspector Amor Cerillo: In the last hearing, our police officers were insisting that the man in the video being dragged doon sa pagpatay kay Kian ay isang asset o confidential informant (C.I.). Ito pa rin po ba 'yong tinatayuan natin na statement?

Cerillo: I invoke my right against self-incrimination since the case was already filed and DOJ said I invoke my right, sir

SJV: Tutal nung nakaraang hearing narinig na rin naman yan. Procedures nalang po sa trabaho niyo. Wala naman kayo dapat iadmit dito. Sa procedures sa drug operations, paano niyo po ba kinikilatis 'yong inyong informant at asset?

Cerillo: I am not handling any informant. It was my men who were handling such informant kasi ang informant po ang ine-establish niyan ay trust sa kanyang handler. During that time, kung mayroon man po silang hawak na informant, 'yong mga tao po they did not present it on me because of the handler-informant relationship.

SJV: So yung mga tao niyo po ang magdedecide whether or not worthy itong informant na ito. Hindi ito may galit lang sa isang tao na basta ituturo or anything? Paano niyo po ini-scrutinize? Ang tinatanong ko po ay paano po ang policy natin? Paano po natin masasabi na mapagkakatiwalaan na totoo 'yong sinasabi niya, di tayo ginogoyo o nangti-trip lang?

Cerillo: Yes, Sir. We're conducting validation

SJV: Verification? Verification na the alleged informant asset was only, katulad ng sabi niyo, kung galit lang doon sa itinuturo niya. Kaya ho laging sinasabi ko ito laging agam-agam na minsan nararamdaman ng ating kababayan. Baka sakaling bigla nalang may magturo sa kanila eh parang babalik tayo noong panahon ng Hapon (inaudible) na turo nalang nang turo. Sir, dito sa nangyari kay Kian, sabi 'yung asset o CI siya 'yung nasa video. Have you ever worked with this CI or informant bago ho mangyari ang operasyon na ito?

Cerillo: No, Your Honor.

SJV: So this is the first time? Kung first time po ito, may binigay po ba siya na impormasyon kay Kian?

Cerillo: I think, sir, only the handler of the informant can answer your question.

SJV: Sino po 'yun at kanino po siya accountable?

Cerillo: Sir, it was PO1 Cruz who is the handler.

SJV: Can we ask kung sa information na ibinigay ng asset, from the very start ay kasama si Kian?

Cerillo: Sir, nakasampa na ho 'yung kaso sa DOJ. I invoke my right, sir.

SJV: So hindi niyo aaminin kung kasama si Kian o hindi doon sa operation na sinasabi? Paano po natin ginagawa yung verification? Kasi katulad ng nangyaring incident na 'to unfortunately kahit 'di tayo sagutin sa tanong natin, last hearing binanggit na namatay na si Kian bago nalaman na siya si Kian at 'yan nga ang masakit na narinig natin at nalathala sa pahayagan pati sa telebisyon e nakita na nalaman ang information through social media. Paano po ba ang procedure dito?

Cerillo: Hindi po ora-orada ginagawa ang verification dun sa ibinibigay ng informant because we also have a Barangay Intelligence Network na pwede naming i-tap during the conduct of such validation. Mayroon po 'yung intel unit sa Caloocan, na merong barangay intellligence network composition which we can actually answer to this validation kung siya po ay involved sa...

SJV: Kung susundan po natin yung sinasabi niyo then we would know from the very beginning if Kian was part of that operation

Cerillo: No, your Honor.

SJV: Kaya nga po. Wala po. Nung last hearing, sinasabi na dinrag ng ating kapulisan ang asset na nakita sa video para hindi masunog o macompromise yung identity. Hindi po ba pag ganun di kaya mas nakaka-draw ng attention sa public and sa mga ganitong operation? Yung CI di po ba pwede na sabihan nalang na discreetly habang ginagawa ang operation to leave quietly?

Cerillo: Your honor, I cannot comment on that because I was not there...

SJV: I am talking about procedures hindi po ang particular na pangyayari. Ang tanong ko lang po kasi binanggit ito nung last hearing at ito'y investigation in aid of legislation. We want to find out from you sa grassroots level. Ito ba'y dapat? Ano bang procedure dito? Because my next question would be, if there are minors in the operation, they... may mga maliliit na bata? Hindi po ba nagbabago ang protocol?

Cerillo: I think, sir, discretion na lang po ng tao.

SJV: Siguro sasabihin ko na lang po kina General Bato at General Albayalde na I think it is important na maayos itong mga procedure na ito lalo na po sa pagha-handle ng mga C.I. General Bato, baka pwede pong mahingi ang opinion niyo dahil kung 'yong mga naririnig natin madalas na mga natatakot na may biglang lumabas na asset sa kanilang komunidad at biglang magtuturo, hindi fully verified, nakakalungkot nga ho lumabas noong nakaraang hearing, sa Facebook, o sa Social media, which I don't believe po 'no. I'm sure hindi po 'yon ang dapat maging basehan

Gen. Bato dela Rosa: Your honor, 'yong sinabi niyo po na Facebook ang basehan, hindi po 'yon ang intension ng resource person, your honor. Sinakyan lang 'yon ng gustong gumawa ng balita... hindi talaga 'yon ang intensyon. Sinasabi po kasi na other source lang 'yon, hindi po 'yon ang main source.

SJV: Sa procedures po 'no, 'yong handling assets or CI, paano natin ma-assure ang ating mga kababayan na maayos at we fully verify ang information, hindi tayo basta gumagalaw? Kayo na ho ang nagsabi, ako ho inis ako sa fake news. Kaya nga po may bill ako sa senado, mahirap po kasi 'yong peke ang impormasyon at buhay ang nakasasalay dito.

Gen. dela Rosa: Your honor, 'yong information na pumapasok sa police station, your honor, hindi ho kaagad 'yan inaaksyunan, vini-verify at vina-validate 'yan, your honor. Hindi porket sinabi ni ano na ganito aaksyunan na agad. Validating talaga kung tama 'yong information, then that will become action na po, your honor, kung ma-validate po talaga na tama. Hindi po basta basta, your honor. Iba ibang tao, kanya kanyang agenda. So kailangan po na ang decision making ng mga police ay balanced, your honor, hindi basta basta immediate reaction, your honor.

SJV: Thank you ho. Kaso lang ho, General Bato, 'yong kanina po nabanggit na course of operation, may mga minors, trained naman ho at may SOP naman po. Kaya ko lang naman ito nabanggit dahil these past couple of weeks or months, marami tayong naririnig na may nadadamay na menor de edad.

Gen. dela Rosa: Hindi lang po minor, your honor, pati po sa matanda. Yung matanda, yung minors, very important.

SJV: Nagbabago po 'di ba ang pag-conduct ng operation pag may mga ganitong situation, am I correct, your honor?

Gen. dela Rosa: Yes po, your honor. Nagiingat po tayo, doble ingat po tayo lalo na kung overpopulated. Hindi po tayo basta basta gumawa ng mga actions na magdudulot ng harm dun sa mga unintended targets, na magiging collateral damage, magiingat po tayo doon your honor. Hindi po basta basta gumagawa ng dahas.

SJV: Last na po, may balitan na po ba tayo doon sa nawawalang kasama ni Carl at pwede po bang malaman kung may balitan na po ang PNP kung bakit umabot si Carl sa Caloocan mula sa Rizal?

Gen. dela Rosa: Your honor, tungkol po dun sa nawawawalang kasama, nasagot na po 'yan kanina, wala po kaming idea. About naman po doon sa napunta siya sa Caloocan, side na lang po ni Carl yung makakapagexplain noon dahil as far as PNP is concerned, limitado lang po sa crime scence ang actions na nangyayari doon, your honor. So ang crime scene po ay doon sa Caloocan.

SJV: Pasensya na po sa aking colleague, may nakarating din po kasi sa amin sa opisina, 'yong doon po sa nangyari sa kay 19-year-old na napatay, ang pangalan po niya ay Raymart Siapo, napatay po siya ng March 29, 2017. May mga feeds po sa amin na humihingi ng tulong. May mga sinasabi po kasi na may pagkakahawig po ito sa nangyari kay Kian. Gusto lang po namin malaman lalo na po kung nanunuod si Mrs. Siapo, may imbestigasyon po ba na nangyayari tungkol sa pagpaslang kay Raymart Siapo. Baka po si Gen. Albayalde, may information.

Gen. Oscar Albayalde: Yes, your honor. We have the copy of the case folder of Siapo. The case is still under investigation, and the case investigators are PO1 Pogancia at PO1 Abenido.

SJV: Sir, para po 'di na din po ako magtagal, pwede po ba humingi na lang ng status kung nasaang stage na po tayo if there is an investigation on-going.

Gen. Albayalde: Sir, I will send you a file copy na lang po.

Source: Senate of the Philippines

Related posts